42

Sep 12, 2021 @ 19:21
By

Kahit pandemya! Bat cave, swimming pool pinondohan

Sa gitna ng pandemya noong 2020, naglipat umano ng budget ang Office of the President (OP) para pondohan ang mga bagay na walang kinalaman sa COVID-19 response gaya ng pagpapatayo ng cafeteria, swimming pool, convention center at maging paglinang ng bat cave.

Batay sa dokumento mula sa Department of Budget and Management (DBM), sinabi ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares na umabot sa P10.3 bilyon ang savings na kinuha mula sa Contingency Fund para pondohan ang mga proyekto na walang kinalaman sa paglaban sa pandemya.

“Why did President (Rodrigo) Duterte approve e SARO (special allotment release order) transferring supposed savings from the Contingency Fund in June 2020, to fund swimming pools, cafeterias, cruise ports and many other non-urgent projects when there were supposedly no funds for ayuda for the urban poor, workers, drivers, small businesses, farmers, as well as PPEs (personal protective equipment), hospital equipment and other COVID response needs?” tanong ni Colmenares.

Sa isang dokumento na nakuha ng Bayan Muna, mayroong P30 milyon na inilaan para sa development ng bat cave sa Barangay Asbang, Matanao, Davao del Sur.

“Look at the purpose naman por Diyos por Santo development of a bat cave,” saad ng dating kongresista. “Unahin mo pa yung bats kesa sa pensyon sa senior citizen.”

Kabilang sa mga ginastusan ang pagtatayo ng sports complex facility na mayroong swimming pool, warm up pool at bleachers, convention centers, cruise ship port, gusali ng Presidential Security Group, Instructor’s billeting area na may cafeteria para sa PNP-SAF sa Laguna, First Scout Ranger Regiment Clubhouse sa San Miguel, Bulacan, at multi-purpose building sa Davao City.

“Grabeng kawalang hiyaan para sa akin na gastusan mo yan ng malaking pondo… P10.3 billion habang wala kang ayuda, habang kulang ang pondo mo sa mga health workers, kulang ang pondo mo sa mga small and medium enterprises…” dagdag pa ni Colmenares.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?