24

Jul 18, 2021 @ 11:10
By

Kahit panalo TNT: Chot Reyes dismayado sa balik PBA

Makalipas ang ilang taon ay muling nasilayan sa sideline si Chot Reyes bilang head coach ng TNT Tropang Giga.

At kahit nasungkit nito ang panalo sa kanyang comeback ay hindi pa rin ito sapat para sa multi-titled coach.

Naitakas ng TNT ang 86-79 victory kontra Terrafirm Dyip, ngunit para kay Reyes ay kinulang ang kanyang koponan sa bandang dulo.

“I don’t think I was as prepared as I should’ve been for this game. Because, as I’ve said, it’s eight, nine years since my last PBA game,” ayon kay Chot.

“Obviously we’re happy we won. But we’re kind of disappointed with the way we played in the last quarter and a half of this game,” saad pa.

Umabot ng 22 points ang lamang ng Tropang Giga sa third quarter, ngunit sa mga huling minuto ng laban ay namuntikan pa sila sa Terrafrima matapos makalapit, 84-79.

Nanguna para sa TNT si Castro na sumikway ng 17 points, habang naging masama naman ang shooting ng top pick na si Joshua Munzon para sa Terrafirma, tumapos lang ng may 6 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,