51

Jul 15, 2021 @ 11:16
By

Kahit out na bilang coach: UP ayaw pakawalan si Perasol

Nais ng University of the Philippines na manatili sa kanilang basketball program si Bo Perasol kahit nagbitiw na ito bilang coach ng Fighting Maroons.

Ayon kay UP College of Human Kinetics Dean Kiko Diaz, nangako si Perasol na mananatiling coach matapos ang kanilang Final Four finish sa UAAP Season 82.

Ngunit dahil sa nausog na schedule ng collegiate league dulot ng COVID-19 pandemic ay naudlot ang plano ni Perasol.

Gayunpaman, huling ng UP na magpatuloy pa rin si Perasol sa kanilang basketball program.

“We earnestly hope he will remain with team management to ensure the continuity of the program,” ayon sa pahayag ni Diaz.

Si Perasol ang naging head coach ng UP nang muli silang makatungtong sa Finals noong 2018.

“The past UAAP seasons with coach Bo have been memorable for the team, as well as our supporters, sponsors, and the whole UP community,” saad ni Maroons team manager Agaton Uvero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?