66

Feb 5, 2019 @ 19:32
By

Kahit numero uno sa survey, Poe hindi magpapakampante

Ayaw umanong mag-relax ni Senadora Grace Poe sa kabila na nanguna ito sa pinakabagong resulta ng survey para sa senatorial race.

“I’m not relaxed, not assured, no, you run as if, as Senator Loren (Legarda), who was also number one and twice, says, you’re running scared all the time,” ani Poe sa panayam sa ANC.

Aniya, nakakabagbag-damdamin man umano na patuloy siyang pinagkakatiwalaan ng mga tao, challenge pa rin sa kanya na mapanatili ang kanyang ranking dahil may iba pang kilalang personalidad na kalaban niya rito.

“You’re human, you feel flattered, and it’s very heartwarming that people continue to trust you. What I’m doing is I’m not being kampante about any of this,” dagdag pa ni Poe.

Sa inilabas na resulta ng Social Weather Stations survey, nakakuha ng 64% ng mga botante si Poe kasunod si Senadora Cynthia Villar na may 57%.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?