141
Kahit nilaglag ni Duterte, Jinggoy tiwalang iluluklok muli ng mga Pinoy
By

Kahit nilaglag ni Duterte, Jinggoy tiwalang iluluklok muli ng mga Pinoy

Nirerespeto umano ni senatoriable Jinggoy Estrada ang paglaglag sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa senatorial slate ng administrasyon.

Wala man o mayroong endorsement sa kanya ang Pangulo ay patuloy niyang susuportahan ang Duterte administration.

“With or without the endorsement of the President, I will continue to be an ally of this administration. My support to this administration is not diminished in any way,” ani Estrada.

Sa kabila na malaki sana umano ang maitutulong sa kanya ng endorsement ni Pangulong Duterte, tiwala naman siyang iluluklok siyang muli ng mga tao sa Senado dahil sa maganda umano niyang track record bilang public servant.

Ang reaksiyon ng dating senador ay matapos sabihin ng Pangulo na napilitan lang siyang itaas ang kamay ni Estrada sa isang event sa Albay dahil nandoon ang huli.

“Nandoon siya eh. Alang-alang naman na hindi ko siya… Even for just one single day masabihan mo ng kandidato mo 13 lahat. What is that to a friend? We know that he has suffered. We know that he was in prison,” esplika ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?