106

Dec 18, 2019 @ 16:02
By

Kahit ni-revoke ang agreement: Maynilad, Manila Water hindi papalitan

Pinanatag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang dalawang water concessionaire na walang balak ang gobyerno na palitan ang water distributor sa Metro Manila.

Ito’y kahit pa ni-revoke ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang concession agreement ng Maynilad at Manila Water sa gobyerno at tatagal na lang hanggang 2022.

Saad ni Dominguez na handa ang gobyerno na makipag-renegotiate sa dalawang water company para matanggal ang hindi makatuwirang probisyon sa kasunduan.

Ito’y kasunod din ng pagpapakita ng interes ng Maynilad at Manila Water na sumailalim sa review para sa ‘onerous’ contract at muling makipagkasundo sa gobyerno.

“In fact, let me tell you, just to show you that this review is acceptable: when we bid out the contract for the water concession in New Clark City, these onerous terms were not there. And yet, Manila Water bid,” ayon kay Dominguez.

Matatandaan na sinabi ni Maynilad chairperson Manny V Pangilinan na wala siyang balak ibenta ang nasabing water service company, sa kabila ng pag-uudyok ni Pangulong Rodrigo Duterte na hawakan ng pamilya Villar ang water distribution sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?