10

Jan 6, 2021 @ 13:28
By

Kahit naturukan na, mga pasaherong papasok ng PH kailangan pa rin ng Covid test

Dadaan pa rin sa mandatory testing at quarantine protocol ang sinumang indibidwal na papasok sa Pilipinas kahit pa nakabunahan na ang mga ito ng bakuna kontra COVID-19 sa ibang bansa.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque batay na rin sa inaprubahang resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ayon kay Roque, kinakailangan pa ring sumailalim sa COVID test ang sino mang papasok sa bansa kahit pa nabakunahan na ang mga ito sa mga bansang pinanggalingan.

Mahigpit na nag-iingat ang bansa laban sa COVID variants kaya pinaigting ang mga polisiya para hindi makapasok sa bansa ang bagong uri ng kontaminasyon.

“Any individual arriving in the Philippines who may have received vaccination for COVID-19 in other countries/ jurisdictions shall still be required to observe the mandatory testing and quarantine protocols,” ani Roque.

Inatasan din ng IATF ang mga pangunahing departamento na palakasin at paigtingin ang mga ipinatutupad na hakbang para mahadlangan ang posibleng pagtaas ng COVID cases sa bansa.

Kabilang dito ang Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Labor and Employment (DOLE),DILG, Department of Information and Communications Technology (DICT),Office of the Presidential Spokesperson at Presidential Operations Communications Office (PCOO).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?