21

Apr 3, 2021 @ 20:56
By

Kahit nasusunog ospital, mga doktor tuloy sa pag-opera

Natatangi ang ipinamalas na professionalism ng mga doktor na matagumpay na nakapag-opera ng puso habang nasusunog ang kanilang ospital.

Ayon sa BBC report, isang medical team sa cardiology centre ng Amur State Medical Academy sa Blagoveshchensk, Russia ang nagsagawa ng kumplikadong heart bypass surgery habang inaapula ng mga bumbero ang sunog sa bubong ng ospital.

Nagtuloy sa operasyon ang mga doktor sa tulong ng isang emergency electricity cable na tumatakbo sa ground-floor operating theatre habang pinipigilan ng mga fan ang usok na makapasok.

Mahigit 120 katao ang inilikas sa nag-iisang pagamutan sa rehiyon na may specialist cardiological unit.

Sabi ng lead surgeon na si Valentin Filatov, ginawa nila ang lahat para masagip ang pasyente.

Walong doktor at nurse ang nagtulong-tulong sa dalawang oras na operasyon, na nagsimula bago pa ang sunog.

Pinaniniwalaang short circuit ang pinagmulan ng apoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,