139
Kahit nasama sa matrix: Panelo walang balak mag-sorry kina Gretchen Ho, Hidilyn Diaz
May 10, 2019 @ 15:58
By

Kahit nasama sa matrix: Panelo walang balak mag-sorry kina Gretchen Ho, Hidilyn Diaz

Hindi hihingi ng paumanhin si Presidential Spokesperson Salvador Panelo kina Hidilyn Diaz at Gretchen Ho sa pagkakadawit ng kanilang mga pangalan sa matrix na iprinisenta sa Palasyo.

Ayon kay Panelo sa Palace press briefing, ang pagkakasama ng pangalan nina Ho at Diaz sa matrix ay nagpapakita lang kung gaano kaaktibo ang paggalaw ng adminstrator ng metrobalita.net na si Rodel Jayme.

“Pinapakita lang na very active ang account ni Rodel Jayme, tapos sila ‘yung mga fina-follow niya,” ani Panelo.

Matatandaan na nang maitanong si Panelo ukol sa pagkakasangkot nina 2016 Rio Olympic silver medalist Diaz at dating Ateneo volleybelle Ho sa matrix ay sinabi nitong hindi niya batid ang koneksyon at inatasan lamang siyang ipakita ito.

Saad pa ng spokesperson, wala siyang dapat ihingi ng tawad at ibang tao umano ang nagkasala sa dalawa.

“Those who should apologize are those who wrongly analyzed the matrix,” giit ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?