60

Aug 28, 2019 @ 11:29
By

Kahit nasa sidewalk, 7-anyos na biker nabundol ng van

Dedbol ang isang pitong-taong-gulang na batang lalaki matapos siyang mabangga ng van habang nagba-bike sa sidewalk ng CARAA Ground sa Tabuk City, Kalinga noong Lunes ng umaga, Agosto 26.

Ang biktima ay nakilalang si Kimkim Addom ng Rurok 7 ng nasabing barangay samantalang ang suspek ay si Christian Osngar, 19 ng Barangay Belong, Tinglayan, Kalinga.

Base sa report ng Tabuk City Police Station (TCPS), si Osngar, kasama ang kanyang mga kapatid, ay nag-aaral magmaneho sa CARAA Ground.

Nakasaad din sa ulat na nagtatalo umano ang mga kapatid sa loob ng sasakyan hinggil kung saan sila pupunta.

Dahil dito, nasuwag ni Osngar ang biktimang naglalaro at naka-bike sa sidewalk ng kalsada.

Agad na dinala ang biktima sa pagamutan ngunit dineklarang dead-on-arrival, ayon sa medical attendant.

Dinala si Osngar sa TCPS at nahaharap sa kaukulang kaso laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?