82

Jul 21, 2021 @ 12:37
By

Kahit nakakulong: De Lima tatakbong muli sa Senado

Mas determinado si Senadora Leila de Lima na manatiling mambabatas sa kabila ng umano’y hindi patas na pagpapakulong sa kanya.

“Marami ang nagtatanong sa akin kung sa kabila ng pagyurak na ginawa mo sa akin ay may lakas pa ako ng loob na muling tumakbo bilang Senador sa 2022,” saad ni De Lima.

“Tatakbo akong muli. Hindi ako susuko. Tuloy ang laban. Sisingilin ka namin sa anim na taon na pambabalasubas mo sa aming bansa,” aniya pa, kung saan pinatamaan niya si Pangulong Rodrigo Duterte.

Apat na taon nang nakadetine si De Lima dahil sa kaso ukol sa iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?