86

May 5, 2020 @ 21:59
By

Kahit naka-shutdown: ABS-CBN hindi maninibak ng empleyado

Malaki ang pasasalamat ni Bianca Gonzalez na mula nang magsimula ang enhanced community quarantine ay buong suweldo nila ang binibigay ng ABS-CBN.

Nagpapatapyas daw ang mga boss nila ng sahod para sa kanila.

“Para malaman din ng lahat: Magmula nang magsimula ang ECQ, buong sweldo na ang binibigay ng ABS-CBN sa mga empleyado. At ang mga boss namin ay nag-salary deduction sa panahon na ito. Grateful for our leaders,” tweet ng TV host.

Sa live chat sa mga empleyado siniguro raw sa kanila ng mga boss na kahit hinto sa pag-broadcast ang network ay walang mawawalan ng trabaho dahil sa retrenchment sa susunod na tatlong buwan.

Makakatanggap pa rin sila ng mga benepisyo kabilang na ang medical.

“Our bosses in a live chat with employees after broadcast ended: “For the next three months, wala pong mawawalan ng trabaho due to retrenchment.” “Active ang lahat ng benefits, including medical, sa panahon na ito. Never been prouder to be a Kapamilya,” dagdag ni Bianca.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?