281

Jul 31, 2018 @ 16:49
By

Kahit nagluluksa pa, Mamaril target ang kampeonato ng SMB

Balik sa hanay ng bench ng San Miguel si Billy Mamaril para makatulong sa Beermen na maidepensa ang PBA Commissioner’s Cup crown.

Naglaro si Mamaril sa Game Two laban sa Barangay Ginebra noong Linggo sa kabila na kamamatay pa lang ng misis nito na si commercial model Christine Bayer-Mamaril.

Isang araw matapos mailibing ang kanyang asawa, sumama na si Mamaril sa koponan para sa series opener noong Biyernes pero hindi muna ito pinaglaro ni coach Leo Austria.

Pero noong Game Two, tingin ni Austria ay puwede niyang bigyan ng ilang minuto para maglaro ang beteranong big man matapos tambakan ng Beermen ang Kings.

Nanalo ang SMB laban sa Gin Kings, 134-109, para itabla ang serye sa 1-1. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?