78

Oct 2, 2019 @ 15:43
By

Kahit naghiwalay: Kylie Jenner, Travis Scott pabor sa hating-oras sa anak

Matapos kumpirmahang hiwalay na sila, nagkasundo ang couple na sina Kylie Jenner at Travis Scott sa 50/50 custody sa kanilang anak na si Stormi.

Hindi na raw nila dinamay ang kanilang mga abogado hinggil sa pag-uusap dahil wala naman umano silang problema sa hating-oras at pinansiyal na suporta kay Stormi, sabi ng insiders sa The Blast ngayong Miyerkoles, Oktubre 2, 2019.

On the rocks ang couple recently, at kahit pa sinubukan umano nilang paganahin ang relasyon, “ultimately they need to take some time apart,” ani insiders.

Unang naging romantic issue ang dalawa noong Abril 2017, na sinundan ng pagsilang kay Stormi noong Pebrero 1, 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?