53

Aug 29, 2019 @ 11:27
By

Kahit nag-sorry na: Locsin ‘di papatawarin ang mga Chinese na nambangga sa ‘Recto Bank 22’

Nilinaw ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na hindi niya tinatanggap ang paumanhin ng Chinese vessel owner na nakabangga sa fishing boat ng 22 mangingisdang Pinoy sa Recto Bank noong Hunyo.

Ayon kay Locsin, ini-note niya lamang ang nasabing statement ng paghingi ng paumanhin ng Chinese ngunit hindi ibig sabihin nito ay pinapatawad niya ang mga ito.

“Hey morons! I merely NOTED the Chinese apology. I did not accept it. I am not a fisherman,” saad sa tweet ng DFA Secretary.

Saad sa memo na aakuin ng mga Chinese na nakabangga sa mga Pinoy ang responsibilidad na anila ay isa lamang ‘aksidente’.

Dinepensa din ni Locsin ang sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo ukol sa paghingi ng sorry ng Chinese.

“Panelo merely expressed satisfaction with the Chinese apology for the incident and the offer of compensation and nothing more,” ayon pa sa isang tweet ni Locsin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?