17

Mar 5, 2020 @ 15:42
By

Kahit nadisgrasya ang PNP chief, Duterte tuloy sa paggamit sa presidential chopper

Patuloy pa ring gagamit si Pangulong Rodrigo Duterte ng presidential chopper sa kanyang mga lakad at aktibidad sa kabila ng insidenteng pagbagsak ng helicopter na sinakyan ni Philippine National Police (PNP) Chief Archie Gamboa at ilan pang opisyal sa San Pedro City, Laguna.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kilala ang Pangulo na hindi matatakutin at madalas sabihin sa kanyang mga talumpati na handa siyang mamatay kapag oras na niya.

“You know naman the President eh, the President always says ‘if it’s my time, it’s my time.’ Fatalistic siya,” ani Panelo.

Simula nang umupo ang Pangulo sa puwesto noong Hunyo 2016 ay chopper na ang ginagamit nitong mode of transportation kahit saan magpunta sa bansa.

Katwiran ng Presidente, ayaw niyang makadagdag sa problema sa traffic at maging dahilan ng perwisyo sa maraming motorista kapag gumamit ito ng sasakyan sa kalsada dahil sa inaasahang mahabang presidential convoy.

Sinabi ni Panelo na ikinagulat nila ang nangyaring insidente kina Gamboa at nagpapasalamat sila dahil ligtas ang mga sakay, maliban sa dalawang PNP official na kasama ni Gamboa.

“We were shocked and sad to hear about the chopper crash. At the same time we’re glad that only minor injuries were suffered by the passengers,” dagdag ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?