65

Jul 4, 2018 @ 18:14
By

Kahit nabigo sa Last 8, Japan nag-iwan ng marka

Nililinis ng Japan players at supporters ang stadium, iniipon ang mga kalat tuwing matatapos ang laro sa Russia.

Muling hinangaan ang Blue Samurai pagkatapos ng huling match sa World Cup Lunes ng gabi.

Nag-iwan ng matinding impresyon ang Japanese sa mapagkumbabang pagtanggap ng pagkatalo sa Belgium sa knockout round.

Napakawalan ng Blue Samurai ang two-goal lead nang maiskoran ng Belgium ng tatlong goals sa second half para umusad sa quarterfinals.

Lupaypay ang Japanese nang ibaon ni Nacer Chadli ang winning goal. Pangatlong pagkakataon nang nabigong makausad sa last 8 ng World Cup ang Japan.

Kita ang pagkadismaya ng players, ilan ang napaluhod pagtunog ng final whistle. Ang iba, nag-iyakan.

Hanggang locker room, tulala ang players at kinailangan pang sabihan ni coach Akira Nishino na mag-shower para kumalma.

Pero kahit gumuho ang mundo nila, niligpit pa rin ng Japanese players ang mga kalat sa dressing room. Malinis ang Rostov changing room nang iwan ng mga Blue Samurai.

Sa lamesa sa gitna ng room, nag-iwan pa sila ng note, may nakasulat na “Spasibo” – Thank You sa Russian.

Ang supporters nila sa stands, kahit malungkot at luhaan ay nagpaiwan para linisin ang stadium.

Kahit gumuho ang mundo dahil sa talo, hindi kinalimutan ng mga Japanese ang kulturang nakagawian. Clean as you go, kalat mo (o kahit kalat ng iba), ligpit mo.

Samantala, kahit dismayado ay malugod na tinanggap ni Nishino ang talo.

“We started off very well, but at the end, right at the end, to have conceded a goal like that, it was not expected,” pahayag niya sa reporters. “We were leading and we were going to win, but I didn’t expect the reversal of the result. It was the World Cup, and we were faced with the depth and the strength of Belgium.” ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?