86

Jul 6, 2020 @ 15:44
By

Kahit nababoy: Sharon pinatawad si Carballo

Hindi nahahabulin ni Sharon Cuneta ang showbiz writer na si Ronald Carballo dahil sa mga post nito tungkol sa kanyang anak na si Frankie.

Sa vlog ni ‘Megastar’, sinabi nito na kanyang papatawarin si Carballo dahil na rin sa tagal ng kanilang pinagsamahan dati.

“Kaya lang never akong nagalit ng ganito dahil never pa kaming, excuse the word, ‘nababoy’ ng ganito,” ayon kay Shawie.

“Thank you for your letter of apology kahit dinelete mo yun. I read it. It was shared so many times,” pahayag pa ng aktres kay Carballo. “I even shared it. I appreciate that. And that’s enough for me.”

Dagdag pa nito, pipilitin niyang kalimutan ang nangyaring patama ni Carballo kay Frankie dahil sa pagiging Christian nito.

Wala ring isasampang kaso si Megastar kay Carballo, maging kay Sonny Alcos na nagbanta ng rape kay Frankie, at sinabing ipapaubaya na niya sa kanyang anak kung gustong maparusahan si Alcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?