72

Feb 23, 2020 @ 21:03
By

Kahit na-quarantine sa Japan cruise ship: Babae positibo sa coronavirus matapos pauwiin

Tila hindi epektibo ang quarantine ng Japan sa Diamond Princess cruise ship matapos na makumpirma ang unang kaso ng Japanese na nagpositibo sa coronavirus kahit pa binigyan na ng clearance na malinis sa sakit matapos ang 14-day quarantine period.

Dahil dito’y kinukuwestiyon ang naging paraan ng pag-quarantine ng lampas 3,000 katao sa loob ng cruis ship matapos na 1,000 na ang palabasin ng Japanese government dahil natapos na ang quarantine period.

Ang babae na edad 60 na ay umuwi sa kanyang bahay sa Tochigi prefecture sa Tokyo matapos lumabas sa Diamond Princess noong Miyerkoles, ngunit nagkalagnat at Sabado ay nakumpirmang may coronavirus.

Dahil dito ay nauna nang nag-sorry si Health Minister Katsunobu Kato matapos palabasin ang nasa 23 pasahero na hindi nasuri matapos ma-quarantine.

“There has been a judgement that those who disembarked after testing negative had no problem, but it has now become clear that those people can turn positive,” ayon kay Tochigi governor Tomokazu Fukuda.

May 530 na Pinoy sa nasabing cruise ship, kung saan nasa 60 ang nagpositibo na sa coronavirus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?