10

Nov 5, 2020 @ 23:51
By

Kahit may pandemya, modernong PUV tuloy sa arangkada

Sa kabila ng COVID-19 pandemic, ilang regional office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang patuloy sa paglulunsad ng mga modernong public utility vehicle (PUV) para sa modernization program ng gobyerno.

Sinabi ng LTFRB sa inilabas na pahayag nitong Huwebes, na ipinatutupad ang programa sa ilang opisina nila sa Cagayan Valley, Central Visayas at National Capital Region.

“Despite the COVID-19 pandemic, LTFRB stays true to the agency’s objective of PUV modernization to provide safe, secure, and comfortable public transportation, while also adhering to strict public health protocols,” pahayag ng ahensya.

Ang mga bagong unit na inilunsad, ayon sa LTFRB, ay armado ng Euro-4 na makina at accessories gaya ng CCTV, dashcam, speed limiter, automatic fare collection system at WiFi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?