22

Sep 16, 2020 @ 10:55
By

Kahit may mañanita, Sinas posibleng ma-promote

Ayon sa bagong hepe ng Philippine National Police, si NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas ay “karapat-dapat” na ma-promote sa mas mataas na posisyon.

Nang tanungin si PNP chief Gen. Camilo Cascolan ngayong Miyerkoles kung papalitan ba ang NCRPO chief habang namumuno siya, tugon niya: “Well, until now there is no replacement.”

“We have to evaluate him properly. Of course, the guy deserves also an evaluation and of course, a promotion, too.”

“He has done good things and that is all I can really say,” sabi pa ni Cascolan sa ABS-CBN News Channel, Setyembre 16.

Sabi ni Cascolan, pinag-iisipan niyang irekomenda ang promotion ng 5 opisyales patungong 3-star generals.

Pinananatili si Sinas bilang NCRPO chief kahit na lumabag ito sa mga COVID-19 protocol sa kanyang birthday “mañanita” sa Camp Bagong Diwa sa Taguig noong Mayo 8.

Hindi sinibak ni Presidente Rodrigo Duterte si Sinas kahit pa nakasailalim pa noon ang Luzon sa lockdown o pinakamahigpit na quarantine status.

Matapos ito, sinampahan ng reklamo ng PNP Internal Affairs Service si Sinas at iba pang police officer dahil sa paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act at Taguig City ordinance na pinag-uutos ang pagsusuot ng face mask at pag-obserba ng physical distancing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?