14

Sep 24, 2020 @ 18:51
By

Kahit may COVID: Comelec handa sa Halalan 2022

Handa ang Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng eleksyon sa 2022 sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Siniguro ni Comelec Chairman Sheriff Abas sa mga miyembro ng House Committee on Appropriations na pinag-aaralan na ang mga health at safety measure para sa eleksyon.

Sa budget hearing, sinabi ni Abas na inoobserbahan nila ang ginagawang eleksyon sa mga bansang may naka-schedule na poll kahit may pandemya.

“Kinukuha natin ang best practices sa South Korea, hopefully makakuha rin sa US,” saad ni Abas.

Isinagawa ang 21st legislative elections ng South Korea noong April 21, 2020 habang pagbobotohan sa Amerika ang susunod nilang presidente nitong Nov. 2, 2020.

“Alam po natin na this is a constitutional mandate,” saad ni Abas nang tanungin sa posibilidad na ma-postpone ang eleksyon sa May 9, 2022 kapag lumala ang COVID-19.

Pero ayon sa Comelec chief, ang Kongreso at si Pangulong Rodrigo Duterte ang may kapangyarihan na magkansela ng national elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?