144

Mar 16, 2020 @ 22:50
By

Kahit may COVID: Ayala siniguro ang walang patid na serbisyo sa mga Pinoy

Siniguro ni Jaime Augusto Zobel de Ayala sa publiko na sa implementasyon sa Luzon ng enhanced community quarantine ay hindi titigil ang kanilang serbisyo lalo na sa mga critical area gaya ng telekomunikasyon at supply ng tubig.

Maging ang access sa kanilang mga clinic, pharmacy at bangko.

“In support of the government’s implementation of the enhanced community quarantine, we assure the public that all necessary measures are being implemented to ensure uninterrupted services in critical areas such as telecommunications, water distribution in our franchise areas, cash availability and access to our clinics and generics pharmacies. Rest assured that the Ayala group is here to support you in these critical times,” sabi sa Facebook post ni Ayala.

Dagdag pa niya, nagpatupad na sila ng flexible work arrangement para sa kanilang mga empleyado maging sa mga employer ng kanilang mga service partner para masiguro ang patuloy na paghahatid nila ng serbisyo at suporta sa mga kustomer.

Kabilang sa pagmamay-ari ng Ayala Group ang Globe Telecoms, Bank of the Philippine Islands at Manila Water Company Inc.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?