149

Oct 1, 2019 @ 10:15
By

Kahit may ASF sa PH: 40 baboy pinalasap sa Baguio

Sa kabila ng banta ng African swine fever (ASF), ipinarada sa unang pagkakataon ang 40 pirasong lechong baboy sa Session Road sa ginawang Lechon Festival sa Baguio City noong Lunes, Setyembre 30, 2019.

Ayon sa Baguio City local government, sa pangunguna ni Mayor Benjamin Magalong, ito ang kaunaunahang Lechon Festival sa nasabing siyudad.

Sinabi rin ng LGU, ang nasabing parada ng mga lechon ay dinagsa nga mga residente ng Upper Session Rd. at Lower Session Rd kasama ang ilang turista ng Baguio City na kumain ng libreng lechon na dinonate ng Baguio City Hog Dealers.

Samantala, sa Oktubre 5 ngayong taon, magkakaroon ulit ng Lechon Festival sa Baguio City Public Market na inaasahang dadagsain ng publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?