18

Nov 30, 2021 @ 9:02
By

Kahit may alok sa iba! EJ Obiena loyal sa ‘Pinas

Bagamat napabalitang may mga nag-aalok sa kanya para maging atleta ng ibang bansa, hindi tatalikuran ni pole vaulter EJ Obiena ang kanyang pagiging Pilipino.

Sa kanyang social media post, kinumpirma ni Obiena ang sinabi ng kanyang mentor na si James Michael Lafferty na may ilang bansa na nag-aalok sa kanya para maging atleta nila.

Sa kabila nito, nananatili ang loyalty ng atleta sa Pilipinas.

“Mr. Lafferty and I always agreed loyalty matters. I therefore said ‘no’ several years ago. I love my country. I am proud to compete for the flag of the Philippines. I get chills every time I hear our anthem played and to watch that flag rise high,” saad ni Obiena.

“Even now, in this current crisis, I have no desire to change nations. I see these statements on social media and active encouragement to switch allegiances. But this is not who I am and why I do this. I want to win for Philippines and show the world what we can do. I want to win for us,” dugtong pa niya.

Umiinit ang mga isyung nakapaligid kay Obiena matapos siyang paratangan ng kanyang kinaanibang organisasyon na hindi maayos ang pag-liquidate niya sa kanyang allowance at hindi rin niya maayos na pinasahod ang kanyang foreign coach.

Sa kabila ng mga isyu, tuloy pa rin ang kampanya ng pole vaulter para sa Pilipinas.

“I am fighting to bring honor and glory for my country. Others fight for ego, or power. But that’s not me. I fight for higher principles. Loyalty is a virtue. And loyalty still matters,” pagtatapos ni Obiena. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?