90

Dec 5, 2019 @ 17:29
By

Kahit matataas na opisyal ang target: Kill list ng NPA, minaliit ng PNP

Pinagkibit-balikat ng Philippine National Police (PNP) ang paglalabas ng “kill list” ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ilan umano sa target ng mga rebelde sina Department of Local Government Secretary Eduardo Año, Armed Forces of the Philippines Deputy Chief of Staff Major General Antonio Parlade, National Commission on Indigenous Peoples Chairman Allen Capuyen, National Security Adviser Hermogenes Espero at limang dating communist leader na tumutulong sa anti-insurgency efforts ng pamahalaan.

Ang mga nasabing opisyal ng gobyerno ay lilikidahin umano ng sparrow unit ng CPP-NPA base pa sa ulat.

Ayon naman kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, may sapat na security detail ang mga nasabing opisyal ng pamahalaan kaya malabo umanong malusutan ang seguridad ng mga ito.

Pahayag ni Banac sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, hindi na bago ang mga banta sa seguridad ng matataas na pinuno ng bansa lalo na at paparating na naman ang founding anniversary ng CPP subalit palagi silang nananatiling alerto at mapagmatyag sa anumang maaaring criminal activities.

Sa panig naman ni Año sinabi nito na hindi umano siya nasisindak sa anumang banta ng CPP-NPA dahil lagi siyang handa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?