376

Feb 13, 2020 @ 12:16
By

Kahit maraming tulong ang US sa ‘Pinas: Trump kinunsinti si Duterte sa pagbasura ng VFA

Balewala lang kay US President Donald Trump ang pagkakabasura ng Visiting Forces Agreement sa pagitan ng kanilang bansa at ng Pilipinas.

Ito’y kahit pa malaki ang natulong ng Amerika sa Pilipinas pagdating sa military defense.

Saad ni Trump, umayuda ang mga military forces ng US para matalo ang mga militante ng Islamic State sa Pilipinas.

Ngunit saad ng US President na tila makakaganda pa ito sa Amerika dahil makakatipid umano ang kanilang bansa sa pagkakabuwag ng VFA.

“I don’t really mind if they would like to do that, it will save a lot of money,” ayon kay Trump.

Matagal nang gustongmapabalik ni Trump ang mga sundalo ng US sa ibang bansa na ilang dekadang nananatili sa war zone abroad.

Giniit naman ni Trump na maayos pa rin ang kanyang relasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kabilang nang pagbasura sa VFA.

Matutuloy pa naman ang mga military exercise sa loob ng 180 araw matapos mahain ang notice sa VFA termination sa Amerika.

“With the formal serving of the notice of termination of the Visiting Forces Agreement, this year’s planned military exercises with the Americans shall proceed as scheduled within the 180 days that the VFA remains in force,” ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?