480
Kahit malabo ang Lakers sa playoffs: LeBron hindi magpapabangko
Mar 6, 2019 @ 14:34
By

Kahit malabo ang Lakers sa playoffs: LeBron hindi magpapabangko

Sa kauna-unahang pagkakataon makalipas ang 14 na taon, nangangamoy na ‘di makatungtong ang Los Angeles Lakers superstar na si LeBron James sa postseason.

Sa huling 12 laban nito, siyam ang binitawan ng Lakers dahilan para manatili sa ika-sampung pwesto hawak ang 30-34 kartada, at pumasailalim ng eight-seed San Antonio Spurs na kakailanganing habulin ang anim na panalo sa 18 na laro.

Unang napaulat na 1-percent chance na lang ang Lakers para sa postseason, at matapos ang naging talo sa Los Angeles Clippers noong Lunes, 113-105, hiling ng iba na sanay magpahinga na lang si James at ireserba ang lakas para sa susunod na season.

Ngunit wala sa bokabularyo ng four-time NBA MVP ang salitang pahinga.

Sa kanyang panayam sa ESPN, sinabi ni LeBron na bagama’t mapait ang kapalaran nila para makatungtong sa playoffs, sasalang pa din siya sa court.

“Unless I’m hurt, I’m not sitting games,” ayon kay James, ngunit aminado naman ito na baka mabawasan ang kanyang role sa koponan.

“You kind of look at the rest of the games, and look at the percentages of what’s going on there in the future, and see what makes more sense for not only me but the team itself as well,” aniya pa.

Papanatilihin pa rin umano ni James ang pagiging propesyunal at hindi na titingnan kung ano ang magiging kahihinatnan ng kanilang kampanya ngayong season.

“Continue to be a professional, and be as great as you can be every single night, no matter the circumstances. ‘Cause someone is always watching,” ayon sa Lakers star na nag-aaverage ng 27.0 points, 8.7 rebounds at 8.0 assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?