124

Oct 16, 2017 @ 18:33

Kahit mag-strike pa, jeep modernization program tuloy! — Palasyo

Hindi kayang hadlangan ng transport strike ang jeepney modernization program na isinusulong ng gobyerno.

Inihayag ito kahapon ni presidential spokesman Ernesto Abella sa kabila ng ikinasang tigil-pasada ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) nitong Lunes.

Ayon kay Abella, ilang administrasyon nang nabinbin ang modernisasyon ng mga pampublikong sasakyan dahil tinatapatan ito ng tigil-pasada kaya nalipasan na ng panahon ang public transport system.

Pero sa ilalim ng Duterte administration, sinabi ni Abella, na  tuluy-tuloy ang diskusyon at konsultasyon para matuloy na ang  modernisasyon ng mga pampublikong  sasakyan sa tulong ng Land Transportation Franchising and  Regulatory Board (LTFRB) at ng public  transport sector.

“The administration remains committed to the Public Utility Vehicle Modernization Program, which is long overdue. There were several attempts in the past to modernize the public transport system but these have been thwarted due to similar transport strikes, which unfortunately resulted in an outdated public transport system,” paliwanag ni Abella. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?