17

Jan 16, 2021 @ 15:22
By

Kahit maalat shooting: Clarkson bida sa mga Jazz fan

Hindi alintana ng mga tagasubaybay ng Utah Jazz kahit sumablay man ang karamihan ng tira ni Fil-Am Jordan Clarkson.

Sa laban ng Jazz kontra Atlanta Hawks, 16 points ang nakolekta ni Clarkson, ngunit 11 tira ang pinakawalan niya na hindi pumasok.

Gayunpaman, tingin ng mga Utah fan ay malaking tulong sa kanilang koponan si Clarkson, na nag-ambag din ng pitong rebound at apat na assist mula sa bench.

Tingin pa ng ilang netizen, sigurado na sa NBA Sixth Man of the Year award si Clarkson dahil sa patuloy na magandang performance.

Ngayong season, nag-aaverage si Clarkson ng 17.1 points, 4.8 rebounds at 1.8 assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?