71
Kahit lubog ng 0-2, Belga walang takot
Jul 31, 2019 @ 12:23
By

Kahit lubog ng 0-2, Belga walang takot

Bugbog ang Rain or Shine sa San Miguel Beer, nabaon na ang Elasto Painters 0-2 sa PBA Commissioner’s Cup semifinals pero ayaw pa nilang itaas ang puting bandera.

“Talo is talo,” bulalas ni Painters veteran big man Beau Belga tapos ng 117-105 loss sa Game 2 nitong Lunes sa Mall of Asia Arena.

Dumistansiya ng hanggang 44-15 ang Rain or Shine, pero walang naisagot nang magkasa ng 21-0 run ang Beermen para idikit ang iskor 52-49 sa break. ‘Di na nakabawi ang Painters, naiwan pa hanggang 98-75.

“Bahala na kung ano’ng mangyari sa Game 3,” dagdag ni Belga, binagabag ng early foul trouble at tumapos ng 8 points, lahat sa first half.

Sinabihan aniya sila ni coach Caloy Garcia na kung sino ang sumuko na sa laban ay puwede nang magpahinga, puwede nang ‘di sumipot sa praktis Martes ng hapon.

“Ako naman, ‘di pa give up. Kasi nakita ko naman (lumalaban) … bakit kami gi-give up?” dagdag ni Belga. “Ako sa sarili ko, ‘di pa. Malayo pa.”

Wala na aniya sa bokabularyo nila ang salitang takot, kahit pa San Miguel ang katapat.

“’Di na puwedeng takot dito, nasa semis ka na. Kung takot ka, aminin mo sa sarili mo. Puwede ka naman maupo, eh,” panapos niya. “Sinasabi nga ni coach kanina, ‘ngayon ka pa ba matatakot?’ Nag-survive ka nga sa Blackwater na sa tingin ko, mas mga bata sa amin. Ngayon ka pa matatakot eh wala naman nage-expect na umabot kami dito.”

Pipilitin ng Painters na umiwas sa sweep sa Game 3 mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?