136

Jan 28, 2021 @ 15:14
By

Kahit libre pa! Iloilo ayaw sa Sinovac

Walang balak kumuha ng COVID-19 vaccine mula Sinovac ang Iloilo City, kahit ipamigay pa ito ng libre.

Ayon ‘yan kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live.

“Nagtatanong kami pero wala atang gusto eh. Tinatanong ko nga ang DILG ko dito, mukhang wala, walang takers,” saad ni Treñas.

“Bumili na lang kami ng [AstraZeneca],” aniya pa.

Aabot sa 600,000 dose ng AstraZeneca ang kanilang bibilhin hindi lamang para sa kanilang mga residente, kundi pati sa mga nagtatrabaho sa Iloilo City.

Balak din ng local government na makakuha ng bakuna mula sa Pfizer, Novavax at Janssen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?