132
views
pacman
By

Kahit laos na, Pacquiao marami pa rin ang may kursunada

Sharing is caring!

Kahit marami ang nagsasabing laos at gurang na, marami pa ring nais basagin ang mukha ni eight-division champ Manny Pacquiao.

Nakatakdang umupak ang 30-anyos na Briton laban sa Espanyol na si Kerman Lejarraga sa Bilbao sa April 28 para sa European welterwight title.
Kapag nalampasan niya ito, puntirya niya alinman ang magwawagi kina Pacquiao at Lucas Matthysse sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

‘Matthysse has just got that World Title he’s set to face MannyPacquiao [in July]. I’d love the winner of that!” kwento nito.

Kasalukuyang nagpeprepara na ang 39-anyos na si Pacquiao para sa bakbakan nila ni Matthysse, 35. Aagawin nito ang WBA welterweight belt, pamalit sa naagaw na WBO 147-pound crown ni Jeff Horn noong isang taon sa Brisbane, Australia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?