146
Kahit laglag na sa Final 4, Estrañero mambabarako
Apr 17, 2019 @ 14:33
By

Kahit laglag na sa Final 4, Estrañero mambabarako

Kahit laglag sa ang University of the Philippines sa final four picture ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament, determinado pa rin ang graduating Lady Maroon setter na si Ayel Estrañero na tapusin ang kanyang huling taon sa liga sa panalo.

Matatandaang nilugmok ng NU Lady Bulldogs ang tsansa ng mga Iskolar ng Bayan sa isang five-set match, pero kahit pa ganun ay pokus pa rin si Estrañero.

“It’s still the same mindset, we’ll be working over the Holy Week break, train hard, train even harder so that at least on our last game we could finish our season with a win,” pahayag ni Estrañero.

Aminado naman ang veteran playmaker na masakit para sa kanya ang hindi pagpasok ng koponan sa Final Four.

“As a senior and as a graduating student in UAAP, I can’t say that I’m disappointed, of course there is frustration, you feel a little bad cause you wanted to reach at least the Final Four pero hindi nangyari,” bulalas nito.

Makakatapat para sa huling laban ng elimination round ng Lady Maroons ang Adamson Lady Falcons sa Abril 27 na gaganapin sa FilOil Flying V Centre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?