26

Aug 5, 2021 @ 11:22
By

Kahit kinapos sa medalya! Pinoy Olympians may 500K – POC

Hindi masasayang ang hirap ng mga Pinoy athlete na sumabak sa Tokyo Olympics kahit pa bigo silang makapag-uwi ng medalya, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Bambol Tolentino.

Ito ay dahil may naghihintay sa kanila na P500,000 bawat isa, na magmumula sa POC at sa MVP Sports Foundation.

Ang mga makakakuha ng nasabing halaga ay sina Cris Nievarez, Kurt Barbosa, Margielyn Didal, Jayson Valdez, Carlos Yulo, Irish Magno, Kiyomi Watanabe, Elreen Ando, Juvic Pagunsan, EJ Obiena, Kristina Knott, Remedy Rule at Luke Gebbie.

Maaari pang madagdagan ang listahan depende sa kahihinatnan ng golfers na sina Yuka Saso at Bianca Pagdanganan.

Samantala, sigurado na sa milyon-milyong premyo ang mga medalist na sina Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Eumir Marcial at Carlo Paalam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?