8,324

Feb 21, 2020 @ 14:03
By

Kahit kasal, ‘di pinatawad! Matteo sobrang bayolente – mga netizen

Hindi lamang ang pagpapakasal nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang naging pasabog sa nagdaang araw.

Ito’y matapos na mai-report ng isang bodyguard ni Sarah na si Jerry Tamara ang pagsapak sa kanya ni Matteo matapos malaman nito na sinabi niya ang kasalan sa nanay ng popstar na si Divine.

Umugong ang balita na ikakasal ang dalawa nitong Huwebes, February 20, sa isang luxury hotel sa Bonifacio Global City, Taguig, na posibleng tinago kay Mommy Divine dahil hindi ito aprub sa relasyon ng dalawa.

Kaya nang biglang dumating sa wedding ceremony si Divine ay napagbuntungan ng galit ni Matteo ang guwardiya na nagsabi sa ina ni Sarah ng kasalan.

Sa Twitterverse ay bumuhos ang pamumuna kay Matteo, na sinabing dati na itong may isyu ng pagiging bayolente.

“If it’s true, nakakadisappoint ang pagiging violent ni Matteo G. Ingat ingat ka na lang, @JustSarahG,” ayon kay @doctormike1121.

“Well, I should say Mommy Divine should let Sarah be free but I can’t ignore the violence of Matteo. #NotTheFirstTime I WAS supposedly rooting for you,” sey naman ni @princeofbanat.

“Pero dati pa ata ganyan talaga si Matteo, may sapakan din sila ni Coco dati sa SM Ball dahil kay maja,” paratang naman ni @gwofcheka.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?