41

Oct 20, 2020 @ 19:25
By

Kahit injured: Ross ayaw iwan ang SMB

Matapos ang injury nina June Mar Fajardo at Terrence Romeo, isa pang starter ng San Miguel Beermen ang dumagdag sa listahan ng mga may iniindang sakit.

Ito’y matapos na masaktan si Chris Ross sa laban ng SMB kontra Terrafirma Dyip sa fourth quarter noong Lunes.

Napuruhan ang kanang daliri ni Ross ngunit tinapos pa rin nito ang laro.

Bukod pa sa thumb injury, iniinda rin ng eight-time PBA champion ang kanyang paa ang tuhod.

“Yung last game namin against TnT, nasaktan siya. Pero because he wants to help the team pinatuloy niya, naglaro siya kahit masama yung kanyang nararamdaman,” saad ni San Miguel head coach Leo Austria.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?