20

Jun 15, 2021 @ 9:46
By

Kahit ilang araw lang praktis: Kai Sotto gamay agad sistema ng Gilas

Mukhang napapalapit na ang debut ni Kai Sotto sa Gilas Pilipinas Men kahit pa ilang araw pa lang ito nakakapag-ensayo kasama ang koponan.

Ayon kay Sotto, naaral na niya agad ang sistema at mga play na inilatag ni coach Tab Baldwin.

“For me, I didn’t really find anything hard to learn. I think that’s one of my strengths, I’m a fast learner and I’m very fast to adjust,” saad ng 19-anyos.

“It took me just a couple of days to learn all of coach Tab’s systems, plays, and defensive schemes,” aniya pa.

Nakasama na si Sotto sa ensayo ng Gilas noong Pebrero bago masuspende ang laro ng Gilas na gaganapin sana sa Doha, Qatar.

Makakasama ni Kai sa koponan ang kanyang mga kuya sa Ateneo noon tulad nina Angelo Kouame, Will Navarro at Isaac Go.

“Most of them, nakasama ko na before. To see everybody ngayon na maglalaro na sa men’s national team is really a good feeling para sa akin,” lahad ni Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?