54

Jul 31, 2021 @ 15:42
By

Kahit higpitan lockdown: Active cases sa NCR sisirit sa Setyembre – DOH

Lumabas umano sa pag-aaral ng ilang eksperto na maaari pa ring sumirit sa 18,000 hanggang 20,000 ang mga aktibong kaso ng COVID sa Setyembre sa NCR kahit pa higpitan ang quarantine restriction, ayon sa Department of Health (DOH).

“Dito sa mga scenario nakakita ng increase in the number of cases from 18,000 to 30,0000 number of cases. ‘Yan ay naka-ECQ na tayo,” pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Sabado.

Ang nasabing bilang umano ang lumabas sa pagtataya ng mga eksperto sakaling isang linggong general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions at tatlong linggong enhanced community quarantine (ECQ) ang ipatupad sa NCR.

“Ang sinasabi lang natin, these lockdowns will help us prepare the system, but it is not going to control the spread,” ani Vergeire.

“Kailangan pa rin natin iprepara ang sistema, gawin natin ‘yung mga dapat nating gawin para ma-prevent ang further spread ng Delta variant na ito,” dagdag pa ng DOH official.

Gayunpaman, ipinaliwanag niya na ang naturang mga numero ay ang inisyal na pagtataya lamang ng mga eksperto.

Sa kasalukuyan ay may mahigit 12,000 ang aktibong kaso ng virus sa NCR.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,