73

Sep 17, 2020 @ 20:57
By

Kahit ‘di payagan: Traslacion 2021 itutulak

Humiling na ng approval ang mga opisyal ng Quiapo Church para sa isasagawang traslacion o prusisyon ng Itim na Nazareno sa Enero 2021.

Ayon kay Douglas Badong, parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa ulat ng PNA, kahit hindi sila payagang magsagawa nito dahil sa COVID-19 pandemic ay itutuloy pa rin nila pero hindi na katulad ng mga nakagawiang aktibidad.

“We are just waiting for the big news. We are hoping, but if they will not allow us, we will push through with it, but it will not be the same, not like what we are used to,” wika ni Badong.

Sa ngayon ay naghahanda na raw sila para sa “worst-case scenario”.

“We will conduct the Mass here, we will put up makeshift chapels in designated areas, but we cannot control the people who are going inside the church. That is why we are waiting for the IATF on how many people will be allowed inside the church for traslacion,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?