32

Feb 23, 2020 @ 15:46
By

Kahit ‘di pa nasuri, 23 pasahero napaalis sa Japan cruise ship

Humingi ng tawad ang Japanese health minister matapos payagang umalis sa Diamond Princess cruise ship ang 23 pasahero kahit hindi pa sila sumasailalim sa lahat ng mga pagsusuri.

“We deeply regret that our operational mistake caused the situation,” ani Health Minister Katsunobu Kato kahapon, Pebrero 22.

Nilinaw naman ng opisyal na tinest muli ang mga naturang pasahero.

Ito, matapos mapaulat na nagpositibo sa COVID-19 ang isang babae na kabilang sa nasa 970 pasaherong pinayagang umalis sa cruise ship ngayong linggo. 100 naman sa mga ito ang nakasalamuha umano ng babae at ika-quarantine nang dalawang linggo malapit sa Tokyo, Japan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?