69
Cardema alanganin pang maging kongresista
By

Kahit ‘di pa congressman: Cardema dumadalo na sa meeting ng mga incoming solon

Kahit hindi pa nareresolba ang disqualification case laban sa kaniya, lumahok na sa pagpupulong ng Party-list Coalition Foundation sa Kamara si dating National Youth Commission chair Ronald Cardema.

Ang meeting umano ay may kinalaman sa 18th Congress speakership race, ayon sa ulat.

Unang dumalo sa meeting sa Ortigas si Cardema noong Mayo 23 at sa Batasan Pambansa noong Hunyo 4 kasama sina Marinduque Rep. Lord Alan Velasco, incoming Leyte Rep. Martin Romualdez at Taguig Pateros Rep.-elect Alan Peter Cayetano.

Matatandaang nilinaw ni Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon na wala pang kinatawan sa Kongreso ang Duterte Youth party-list dahil hindi pa umano nareresolba ang disqualification case laban kay Cardema para mag-substitute bilang nominado ng Duterte Youth party-list.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?