22

May 6, 2021 @ 16:08
By

Kahit ‘di naglalaro: Caguioa malaki pa ambag sa Ginebra – Cone

Kung si Tim Cone ang tatanungin, walang kapares ang halaga ni Mark Caguioa sa Ginebra.

Ayon kay Cone, sa edad na 41 ay malaki ang nabibigay ni Caguioa para sa fan favorite team kahit pa hindi na ito madalas sumalang sa laro.

Aniya, ‘incredible leader’ si Caguioa, na nakuha ang respeto ng bawat manlalaro sa kanilang koponan.

“Mentors are really, really crucial to our success in our system. We have to have mentors. LA (Tenorio) has always been a great mentor even through his Alaska days. Joe (Devance) in his 11, 12 years with me has always mentored everybody,” ayon kay Cone sa ‘Zoom In’ episode ng Spin.ph.

“And Mark is also another mentor. There is so much value that he brings in terms of his leadership that if he doesn’t play a minute, he is still going to be extremely valuable to the team,” aniya pa.

Dapat din aniyang pabayaan si ‘The Spark’ kung kailan nito gustong magretiro at hindi ito pakikialaman sa kanyang desisyon.

“He will tell us when he is ready to retire. We won’t retire him,” giit ni Cone.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?