7

Sep 15, 2020 @ 16:39
By

Kahit ‘di isinapubliko SALN: Duterte walang tinatago – Palasyo

Pinagtanggol ng Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa hindi pagsasapubliko ng kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, hindi niya batid kung bakit hindi pa inilalabas ang SALN ng Pangulo, ngunit giniit nito na wala namang tinatago si Duterte.

“I do not know if that has not been made available but what I’m sure about is that it has been filed,” lahad ni Roque sa press briefing nitong Martes.

“I don’t think the President is keeping anything from the public,” aniya pa.

Nilutang din ni Roque ang si Duterte lang aniya ang naglabas ng kautusan ukol sa transparency para sa freedom of information, na nasa ilalim ng Executive Order No. 1.

Sa ilalim ng EO ni Duterte, naging mandatory ang pag-file at maari ring masilip ang kanilang mga SALN basta’t naaayon ito sa batas.

Sa ngayon ay hindi pa rin naisasapubliko ang SALN ng Pangulo noong 2018 at 2019, na pinalagan ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) dahil si Duterte umano ang kauna-unahang Pangulo sa nakalipas na 30 taon na hindi naglalabas ng SALN.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?