By

Kahit buntis, Bangs Garcia tuloy pa rin sa pagpapa-sexy

Sharing is caring!

Ang laki na ng tiyan ni Bangs Garcia pero hindi ito rason para itago ng sexy actress ang kanyang katawan.

Para ngang ayaw paawat sa pagpapa-sexy niya si Bangs kahit bundat na bundat na ito.

Sa halip ay ipinangangalandakan pa ng Kapamilya star ang kanyang kabuntisan sa photo na pinost niya sa kanyang Instagram na kuha sa isang garden.

Mistulang dyosa sa get-up niya sa photo na ito si Bangs. Naka-headband siya na para siyang engkantada suot ang isang puting off-shoulder long dress.

Nakabukas ang harap ng damit niya na nagpalitaw sa malaking tiyan ng aktres at sa suot niyang bikini underwear.

@valeriebangsgarcia, “Every #pregnancy should be well embraced no matter how difficult it could be at times. We should celebrate life.”

Nakalagay sa hashtag ni Bangs na 37 weeks na ang kanyang ipinagbubuntis.

Ibig sabihin, ika-walong buwan na niya ito at nakatakda siyang manganak sa susunod na buwan, sa December.

Kahit nga malapit na ang kabuwanan ni Bangs, ayaw pa rin nitong paawat sa paglalantad ng kanyang kaseksihan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-post si Bangs ng kanyang sexy photo na labas ang kanyang tummy.

Pinost niya ang dalawang photos niya, suot ang parehong two-piece bikini.

Ang isang larawan ay noong sexy pa siya. At ang isa naman ay ngayong malaki na ang kanyang tiyan.

Aliw na aliw nga ang mga followers ni Bangs sa ginagawa niya lalo’t hindi ito nako-conscious na ipangalandakan ang malaki niyang tiyan.

Sa paningin ng marami ay napaka-sexy pa rin ni Bangs kahit buntis na siya at sinasabi pa ng iba na mas sexy ito ngayon kaysa noong flat pa ang kanyang tiyan. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?