63

Oct 13, 2017 @ 18:01

Kahit bumaba sa survey, Digong ‘most trusted’ pa rin – Palasyo

Hindi natinag  ang  Malacanang  sa  resulta  ng  Pulse  Asia  survey  kung  saan bahagyang  bumaba  ng  dalawang  puntos  ang  approval rating  ni Pangulong  Rodrigo Duterte subalit nananatiling  siya  pa  rin ang  pinagtitiwalaang  opisyal ng  gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella,  welcome sa  kanila  ang  resulta  ng  Pulse  Asia  survey dahil sa  kabila  ng  demolition  job laban sa  Presidente  ay ito pa rin ang  nakakuha  ng  80% approval rating  at 80% trust rating.

Ginawa  aniya  ang   survey  noong  September 24-30  habang  nasa  kasagsagan  ng  paninira  sa  kanya  ng  mga  kritiko at  idinamay pa ang  ilang  miyembro ng  kanyang  pamilya.

Magsisilbi aniyang  hamon at  inspirasyon sa  gobyerno ang  mga ganitong  surveys  para magtuloy -tuloy  ang  pagbibigay  serbisyo at  komportableng  buhay sa mga  pilipino na  malaya sa illegal na  droga  at  kkriminalidad.

“The Palace welcomes the results of latest Pulse Asia’s nationwide survey on the performance and trust ratings of top Philippine government officials. Despite the multifaceted political noise, President Duterte is still the most approved and the most trusted government official in the Philippines today with an 80 percent approval rating and 80 percent trust rating,” ang  pahayag  ni Pangulong Duterte.

Ang dalawang  puntos  na pagbaba  ng  approval rating  ni Pangulong Duterte  ay  pinakamaliit  kumpara  kay  Supreme Court  Chief  Justice  Maria  Lourdes Sereno na 13 points at  pinakamalaking  puntos  mula sa  limang  top officials na  kabilang  sa  survey.

Si Vice-President  Leni Robredo ay   bumaba  ng  apat  na  puntos sa  approval ratings,  habang  si Senate  President  Aquilino  Pimentel  III ay  pitong  puntos ang  ibinaba  at si House  Speaker Pantaleon Alvarez  naman ay bumaba  naman ng  sampung  puntos. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?