187

Apr 5, 2019 @ 14:41
By

Kahit bumaba ang inflation: Gobyerno tuloy sa bantay-presyo sa mga bilihin

Ikinatuwa ng Malacañang ang pagbaba ng inflation rate sa buwan ng Marso na naitala sa 3.3 percent.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagbunga ang mga ipinatupad na hakbang at pagsisikap ng gobyerno para mapahupa ang nararanasang inflation sa bansa.

Naniniwala ang kalihim na magtutuloy-tuloy pa ang pagbaba ng inflation rate hanggang sa pagtatapos ng taon dahil nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RA 11203 o Rice Tariffication Law na nagtanggal sa import limitation ng bansa sa bigas.

“We are confident that this slide would continue further for the rest of the year. Our economic managers expect prices to go down and even cut inflation by 0.5 to 0.7 percentage this year,” ani Panelo.

Ang 3.3 percent inflation ang pinakamababang naitala simula noong January 2018.

Kaugnay nito, tiniyak ng Palasyo na hindi magpapabaya ang pamahalaan at mananatiling nakabantay sa presyo ng mga pangunahing produkto sa gitna na rin ng banta ng El Niño.

Noong Pebrero, nasa 3.8% ang naitang inflation rate.

Ito na ang pinakamababang inflation rate na naitala sa bansa simula Enero 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?