70

Sep 9, 2021 @ 23:42
By

Kahit bilyonarya, mga anak ni Pacquiao nag-aral magluto

Super proud mom si Jinkee Pacquiao sa dalawa niyang anak na babae.

Kahit kasi may tagaluto naman sila ay nag-effort ang mga anak niyang sina Mary Divine Grace at Queen Elizabeth na matutong magluto.

Sa Instagram binahagi ni Mrs. Pacquiao ang mga litrato at video nina Princess at Queenie habang naghihiwa ng sangkap at nagluluto ng ulam para sa pamilya.

“Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa dalawang batang ito na willing matuto lalo na sa pagluluto. Good job girlzzz. We miss you and we love you so much!” caption ni Jinkee.

May limang anak sina Jinkee at eight-division world boxing champion Senator Manny Pacquiao.

Ito ay sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?