64

Jun 24, 2022 @ 13:26
By

Kahit bigo maka-NBA, sey ni Kai: ‘I won’t stop’

Pinagpapasa-Diyos na lamang ni Kai Sotto ang kanyang kapalaran matapos mabigong makapasok sa 2022 NBA draft.

Natapos ang draft nang hindi man lang natawag ang pangalan ni Sotto, na inaasahang pinakamalaking pag-asa ng bansa na makapasok ng NBA sa ngayon.

Mahirap man, tanggap ni Sotto ang nangyari.

“I can’t really explain the feeling, but it’s not a good feeling obviously. I really worked hard, I really did my best to get here but you know, it’s what happened,” aniya.

Patuloy namang nananampalataya si Sotto sa Diyos, at may pangako siya sa lahat ng kanyang mga fans.

“And I believe, God has better plans for me,” wika ni Sotto. “I won’t stop.”

Samantala, sa isang panayam, sinabi ng agent ni Sotto na si Joel Bell na tinanggihan ni Sotto ang mga alok para sa NBA Summer League. Aniya, mas pinili ni Sotto na pagtuunan ng pansin ang Gilas Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?