266

By

Kahit balwarte, Jinggoy laglag sa Top 12 sa San Juan City

Naging matunog man sa survey ang pangalan ni dating Senador Jinggoy Estrada sa mga survey, sa mismong panahon ng eleksyon ay biglang dumausdos ito at hindi nakasama sa Magic 12 ng unofficial Comelec count.

Mismong kahit sa balwarte ng Estrada clan na San Juan City ay laglag din si Jinggoy sa doseng kandidato.

Sa pagtatapos ng bilangan sa San Juan, nasa ikaunang pwesto si Grace Poe, samantalang ang kapatid ni Jinggoy na si JV Ejercito ay matatag sa ikatlong pwesto.

Samantala, nasa 13th spot lamang si Jinggoy, nakatanggap ng 20,858 ng mga boto, mas mataas si Liberal Party bet Bam Aquino na nasa 12th.

Sa partial and unofficial count na may 96.26% na ang election results, hawak ni Jinggoy ang 15th spot na may botong 11,115,737.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?